Anyong Tubig

 Ang Anyong Tubig ay kahit anumang makahulugang pag-ipon ng tubig, kadalasang tinatakpan ang Daigdig.

 





Karagatan -Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang Southern.)

Dagat - Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan.

Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o *burol.

Look - Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan.

Golpo - bahagi ito ng dagat.

Lawa - isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.

Bukal - tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.

Kipot- makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging arkipelago nito.

Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa

Batis - ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos.

Sapa - anyong tubig na dumadaloy 

 

Comments

Post a Comment